Hindi Kami Nakalilimot…

Journalism is the investigation and reporting of events, issues and trends to a broad audience. Though there are many variations of journalism, the ideal is to inform the intended audience about topics ranging from government and business organizations to cultural aspects of society such as arts and entertainment. The field includes editing, photojournalism, and documentary.
– Wikipedia

Noong nag-enrol ako sa PUP sa kursong ito, tinanong ako ng Doctor na nagka-conduct ng medical examination kung gusto ko raw bang ituloy ang kursong ito, ang boses niya’y halatang nababahala. Ang sagot ko ay oo. Bakit? Hindi rin ako sigurado noong panahong iyon kung bakit, ang alam ko lang, gusto kong magsulat. Maaaring ganun din ang rason ng mga ka-batch ko. Bakit nga ba? At bakit naman din kaya siya nababahala? Ang malaking rason ay ang mga ito: ang walang kapararakang pagpaslang sa mga mamamahayag, ang mabagal na pag-usad ng hustisya sa bansa, at ang kakulangan ng batas para sa kanilang proteksyon.

Apat na taon at ilang buwan makalipas ng araw na iyon, isang kagulat-gulat na pangyayari ang naganap: November 23, 2009, humigit-kumulang sa limampung mamamahayag ang walang-awang pinaslang, at ang hustisyang para sa kanila ay wala pa ring pinatutunguhan. Ang tanong na “bakit” na madaragdagan pa ng “kailan” ay tila magpakailanmang mamumutawi sa ating mga bibig at mananatili sa ating mga isipan. Bakit?

Panoorin din ang video na ito para inyong maalala… .

http://lakbayxiomai.wordpress.com/2012/11/23/today-favourite-pag-alala-maguindanao-massacre/

 

bilang komento, narito ang aking pahayag:

may hayagan ding nagtanong sa akin ng ganiyan, sabay sabing, “pinapatay ang mga journalist ngayon.” nabigla ako dahil hindi ko akalaing gagamiting panakot ang kamatayan para hindi mo ituloy na abutin ang pangarap mo.

pero para saan pa nga ba ang buhay kung mamatay ka rin lang na hindi mo nagawa ang gusto mo talagang gawin?

ang tanging nasambit ko lang sa taong iyon, “okay lang po. tsaka sa panahon ko, hindi na po mangyayari iyon.” ang una’y mapusok, ang ikalawa’y nananatiling isang panaginip.

hindi ko minamaliit ang kamatayan, hindi ko layon na bigyan ng dagdag pasakit ang nawalan, pero mas mataas pa rin ang tingin ko sa kaligayahan kaysa kamatayan. mas matatakot akong mabuhay nang hindi natutupad ang aking nais gawin kaysa mamatay nang dahil sa aking ginagawa. saludo ako sa kanilang namatay ng ginagawa ang bagay na isinisigaw ng kanilang puso, ang maglahad ng katotohanan. namatay silang busog ang puso nila dahil natupad nila ang kanilang pangarap.

kaisa mo, xio, sisigaw rin ako ng katarungan para sa kanila. hindi tayo nakalilimot. hindi tayo makalilimot. patuloy tayong maghahanap ng sagot. patuloy tayong magtatanong ng “bakit?”

21:58

112312

Advertisements